Ginanap ang paglulunsad ng Project “B.E. C.A.R.E.F.U.L” (Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination-Fight Unwanted Lewd-Design) ngayong araw, July 15, 2022 sa ating PNP GYMNASIUM.

 Ang proyektong ito ng Police Regional office 3 na pinagtibay ng Nueva Ecija PPO ay naglalayon na pigilan na magkaroon ng sekswal na karahasan sa pamamagitan ng mas pinaigting na information drive sa mga komunidad sa tulong ng mga stakeholders.

 Dinaluhan ng ating aktibong MAYOR ARMI LAZARO ALVAREZ ang nasabing programa sapagkat nais din niyang protektahan ang ating mga minamahal na kabataan laban sa karahasan dahil lahat ng bata ay may karapatan na mamuhay ng matiwasay, masaya at ligtas sa anumang klaseng karahasan.