Isang artipisyal na aparato ang PROSTHESIS na pinapalitan ang isang nawawalang bahagi ng katawan. Alam po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang hirap na dinadanas ng ating mga kababayang nangangailangan ng prosthesis kaya nitong Setyembre 27, 2022 ay naganap ang pagsusukat para sa prosthesis sa ating mga kababayang nangangailanagn nito.

Pagkatapos ng nasabing pagsusukat ay naganap naman ang pagpirma ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng PROSTHESIS AND BRACE CENTER (PBF) sa pangunguna ni Mr. Fernando F. Santos, Manager ng PBF at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

Lubos po ang pasasalamat ng ating pamahalaan sa PBF, sa ating City Social Welfare and Development at sa lahat ng nakiisa at tumulong para sa programang ito.

Walang katapusan ang pananais ng ating pamahalaan na marulungan ang bawat isa sa ating mamamayan.