Kasama po natin ang Provincial Tourism Officer Atty. Jose Maria Ceasar C. San Pedro na bumisita sa iba’t ibang tourism sites dito sa Science City of Muñoz nitong Pebrero 22, 2021. Ito ay para sa mga plano na maaaring makatulong sa paglago ng turismo sa ating lungsod. Malugod na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang kanyang presensya sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, kasama ang ating City Tourism Officer Dyan A. Santos at Local Economic Investment and Promotion Officer Sheila S. Umagat.

Mga kababayan, sama-sama nating tangkilikin at kilalanin pa ang ating Lungsod Agham ng Muñoz. Ngunit huwag sana natin kalimutang sumunod sa safety health protocols. Ang pag-aalaga natin sa ating sarili ay katumbas ng kung paano natin gustong alagaan ang ating mga minamahal sa buhay.

Pwedeng maglibot pero hindi pwedeng magka-Covid! Stay safe po.

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ