“Maging responsableng Amo”

 “Rabies-free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino.”

 Ang rabies ay isang nakamamatay ngunit maiiwasang sakit na viral. Maaari itong kumalat sa mga tao at mga alagang hayop tulad ng aso’t pusa.

 Mga minamahal naming Muñozonian, ano pa ang hinihintay nyo? Halina’t ipabakuna ang ating mga alagang aso at pusa sa ating City Veterenary Office na matatagpuan sa kanilang bagong opisina sa likod ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) malapit sa ating Muñoz Public Market.

 Libre po ang pagbabakuna ng anti-rabies at consultation/check-up sa ating mga alagang hayop. Bukas po ang City Veterenary Office mula Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.