Para sa pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Munoz sa Rabies Awareness Month na itinalaga sa buwan ng Marso, nagsasagawa ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ng mga programa upang tuloy-tuloy na maprotektahan ang ating mga minamahal sa buhay sa banta ng rabies.

Ipinapaalala rin po sa lahat ang City Ordinance No. 105, S-2016, kung saan ipinapatupad ang mga programang may kinalaman sa pagkontrol at pagtanggal ng banta ng rabies  sa ating mga buhay at lungsod. Sa atin pong mga kababayan na mayroong alagang mga hayop, tayo po ay maging responsable bilang kanilang mga taga pag-alaga. Bata o matanda ay maaari pong maging biktima nito kaya ang lubusang pag-iingat ay kinakailangan.

 Kung kayo po ay mayroong mga katanungan ukol sa pagpapabakuna, mayroon po tayong Animal Bite Treatment Center. Maaari po kayong bumisita sa tanggapan ng ating Punong Lungsod o tawagan lamang po ang numerong ito para sa inyong mga katanungan: (044) 940 6886. Maraming salamat po!

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog