Binisita ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang lugar kung saan ginagawa ang pag-iimpake ng mga relief goods na ipinamimigay sa unang ayuda o pagtulong ng City Government sa mga nasasakupan nito. Nagpapasalamat ng taos puso si Mayor Alvarez sa Diansuy at Pecache Families sa kanilang donasyon at kay Mr. and Mrs. Nestor Vendevil, may ari ng Oliver Enterprises sa karagdagang 30 kabang bigas na kanilang ibinigay. Kasama ni Mayor Alvarez sina Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry S. Fulgencio at iba pang kawani ng City Government ng Munoz sa pagbisita.