Walang tigil ang ating napakaaktibong MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa pagtulong sa ating Covid-19 vaccination team sa pagbabakuna sa ating mga minamahal na mamamayan! Mula noong nagsimula ang pagbabakuna laban sa Covid-19 hanggang ngayon ay hindi nagpatinag sa pagsilbi sa ating bayan at pag volunteer sa mga ganitong programa ang ating Mayor.

 Walang pagod, walang ulan at walang init ang makakapigil sa pagseserbisyo ang ating MAYOR ARMI sa bayan at sa mga mamamayan nito!

 Isang ina, isang nurse, isang babaeng matatag at mapagmahal para sa bayan nyang mahal. Yan ang MAYOR ng Science City of Muñoz!