‘Keeping a Modern Agricultural Landscape through Integrating CLSU Generated Technology’ ang kahulugan ng “KAMALIG” na siyang inilunsad nitong Oktubre 11, 2022 sa loob ng Central Luzon Stated University Campus bilang bahagi ng isang linggong selbrasyon ng RIDe Festival 2022.

 Ayon sa CLSU Facebook Page ay Kalahating Kilometro o 500m na sakahan ang sukat ng agri-park na nagtatampok ng iba’t ibang lugar na naglalaman ng iba’t ibang produktong agrikultural at teknolohiya ng CLSU.

 Patuloy po ang pagsuporta ng ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa mga proyektong pang agrikultura at teknolohiya. Lalo pa po nating pagyamanin ang ating agrikultura at teknolohiya upang sa gayon ay mas umunlad ang lungsod nating mahal!