Ikinalulugod po naming ibalita na tapos na ang pamamahagi ng bigas sa lahat ng tatlumpu’t pitong (37) barangay ng ating lungsod.
Naganap ang huling araw ng PAMAMAHAGI NG BIGAS sa Barangay BANTUG nitong March 7, 2022 mula sa RICE DISTRIBUTION PROGRAM, isang programa ng Pamahalaan ng Lalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ng ating Gobernador Aurelio “Oyie” Umali at Bise Gobernador , Doc Anthony Umali. Pinangunahan ang pamamahagi ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at mga iba pang opisyal ng lungsod.
Huling araw man ng PAMAMAHAGI NG BIGAS ay magpapatuloy pa din ang paglilingkod sa mamamayan ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.
Mula sa pamahalaan ang walang humpay na pasasalamat sa lahat ng nag-alay ng kanilang oras, sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maipamahagi ang mga bigas na ito. Walang pagod ang hahadlang para sa lungsod at mamamayan! Gutom at pawis ay titiisin, paglilingkod sa mamamayan ang uunahin!