Dahil sa lubos na pagmamahal ng Pamahalaan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Gov. Aurelio “Oyie” M. Umali kasama sina Vice Gov. Doc Anthony Umali at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinangungunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay nagsimula pong muli ngayong araw ang PAMAMAHAGI NG BIGAS sa ilalim ng RICE DISTRIBUTION PROGRAM para sa mga mamayan ng Barangay Labney.

 Taos puso pong ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod sa pangunguna ng ating Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. at kanyang mga nasasakupan ang pasasalamat sa Priority Program nina Gov. Aurelio “Oyie” Umali at ni Vice Gov. Doc Anthony Umali ng Provincial Government of Nueva Ecija. Malaking tulong po ito sa mga mamayan ng ating lungsod lalo ngayong pandemya.

 Isa po itong patunay na sa bayan ng Muñoz lahat ay tulong tulong para sa pag ahon! Viva mga ka-Muñozonian!

Matiyaga lamang po nating hintayin ang pamamahagi sa ating mga barangay. Lahat po ng barangay ay may kanya kanyang schedule para sa nasabing pamamahagi.