Maalikabok po ba? Bako-bakong daanan? Lagi bang nabubutasan ang mga gulong ng sasakyan? Huwag nang mag-alala! Mga kababayan nagagalak na ipahayag ng ating Lokal na Pamahalaan sa walang kapantay na pagseserbisyo ng ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., na ang ang kalsadang nagdurugtong sa Barangay Rizal at San Andres ay SEMENTADO NA!

Binasbasan ni Rev. Fr. Ariel Capuyon ang pagpapasinaya sa 2 kilometro na kalsada. SHOUT-OUT din po sa mga dumalo na sina: Ms. Armi L. Alvarez, Former City Councilor Vincent Alvarez, Former Councilor Vivencio Cajucom, City Councilor Rodney Cabrera, Former City Councilor Edmond Balmeo DMD, City Councilor Jerry Fulgencio, Kapitan Cesar Viloria Jr,  Kapitan Fidelito P. Pascua Jr., Kapitan Eric Santiago, at iba pang mga opisyales.

Maraming maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa Lokal na Pamahalaan upang kami ay makapaghatid ng #SerbisyongHandog tulad ng medical mission, mga libreng gamot, at food packs at sa patuloy ninyong pagtitiwala sa isang administrasyong walang ibang hangad kung hindi ang inyong kasiyahan at kaginhawahan. Mabuhay ang mga Muñozonian!

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog