Natapos na noong Martes, Pebrero 23, 2021 ang pangwakas na pagsusuri para sa Road Clearing Evaluation ng mga tagasiyasat na sina Ms. Marcelina Agsalud, LGOOVI ng DILG Palayan City, F/INSP Edwin P. Vicencio, BFP, P/MAJ Jonathan  S. Romero, Palayan City at  Ptr. Julie E. Javillonar, CLAIM.

Kasama ng ibang kawani ng LGU, umikot sila sa iba’t ibang barangay upang masuring mabuti ang iba’t ibang mga pamantayan upang mabigyan ng kaukulang grado ang Science City of Muñoz.

Ang road clearing 2.0 validation ay ginagawa upang ituro ang mga kakulangan ng LGU sa pagpapagawa at pagpapatupad ng batas upang ito ay  maaksyunan sa lalong madaling panahon.

Sa pamumuno ng butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang road clearing operation ay pinangunahan  ni G. Emmanuel C. Bustamante, POSO OIC, Kgg. Alexander Natividad, Pangulo ng Liga ng Barangay, PLtCol Jaime B. Quiocho Jr., F/SINSP Catalino M. Valdez at iba’t ibang kawani ng pamahalaan ng lungsod upang matamo ang isang maayos at malinis na Science City of Muñoz.

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ