“ Sama-sama, tulong-tulong para sa isang maayos at maulad na Science City of Muñoz! ”

Bilang bahagi ng Road Clearing Operation, nagsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng Road Clearing Task Force, mga presidente ng TODA, mga kawani ng City Traffic Management Unit (CTMU) at mga punong barangay upang masigurong magiging maayos ang mga daan o kalsada at mga sidewalk ng ating bayan.

Pinangasiwaan ang nasabing pulong ni Mr. Emmanuel C. Bustamante, OIC Public Order and Safety Office at ni ABC President Alexander Natividad. Ang layunin ng pagpupulong ay upang mapaigting ang kaligtasan sa kalsada.