Isang mainit na pagbisita o courtesy call ang naganap sa pagitan ng Rotary Club sa pangunguna ni Mr. Michael Santos at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ nitong Setyembre 29, 2022.

 Ang grupo ay nagtungo upang personal na pasalamatan ang ating Mayora sa kanyang pagsuporta sa mga aktibidad ng grupo.

 Ginaganap ang COURTESY CALL upang mas pag igtingin ang bigkis at magpatuloy ang mgandang ugnayan at pagsasama sa pagitan ng dalawang partido.