Mga kababayan, upang mas lalong mabawasan ang kaso ng Covid-19 sa ating mahal na Lungsod ay minabuti ng ating Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na magtatag ng City Inspection and Certification Committee sa pangunguna ni Ms. Clarinette Delos Reyes, BPLO at mag daos ng pulong upang mapaghandaan ang DOLE-DOH-DILG-DTI Joint Memorandum Circular No. 2101 Series of 2021 na may paksang ” Implementing Guidlines of the Safety Seal Certification Program”.

Ayon sa Memorandum Circular,  ang SAFETY SEAL ay nagpapatunay na ang isang establisimiyento ay napatunayang sumusunod sa minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko na itinakda ng gobyerno, kasama na ang pagsasama sa StaySafe.ph sa contact tracing application. Ang seal ay dapat ilagay sa isang lugar kung saan kitang kita sa lahat ng pasukan (entrance) ayon sa prescribed dimensions. Ang pagkuha ng Safety  Seal ay walang gastos sa establishment.

Nais naming maging ligtas ang lahat ng mamamyan ng Lungsod Agham ng Muñoz.