Sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang Lungsod Agham ng Munoz ay nagsasagawa ng matinding paraan upang maiwasan natin ang COVID-19. Kabilang sa mga paraan na ito ay ang pagtatayo ng checkpoint sa ibat-ibang exit at entry points ng Munoz, ang paggawa ng schedule ng pagbili ng mga pangunahin o kinakailangang bilihin ng ibat-ibang barangay, ang paglalagay ng decontamination area para sa ating mga frontliners at mga iba pa. Ginagawa din ni Mayor Alvarez ang pagbisita sa palengke at checkpoints. Ang mga paraan na ito ay pinagtutulungan ng ibat-ibang ahensya para masugpo ang COVID-19. Tayo po ay magtulongtulong upang maiwasan ang naturang sakit.

#COVID19
#DisiplinaMuna