Tinahak ng Sampung libong Pag-Asa at Sari-Saring Pag-Asa ang Science City of Muñoz, isang programa na handog ni Sen. Allan Peter Cayetano, ito ay sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng Punong Lungsod Nestor L. Alvarez, Ph.D. Layunin ng programa ang mabigyan ng pag-asa at makabangon muli ang pamilyang Pilipino na naapektuhan ng pandemya at lubos na nangangailangan ng dagdag puhunan.

Sa pangunguna ni Mr. Charlon Valerio mula sa tanggapan ni former speaker Allan Peter Cayetano ay isinagawa ngayong araw Oktubre 11,2021 ang pamamahagi ng Php 10,000.00 puhunan para sa 10  benepisyaryo na may poultry at livestock na negosyo, at Php 3,500.00 dagdag puhunan para sa 20 benepisyaryo na may mga sari sari store na mamamayan ng ating lungsod.

Mahirap man ang kinakaharap natin ay lagi pa din nating tandaan na habang buhay tayo ay may pag-asa.