Nagbahagi ang Central Luzon State University (CLSU) sa ilalim ng CLSU Sanisoap and Sanijel Production and Distribution Crusade against Covid-19 ng 800 na SANISOAP (Bar Soap) at 2,000 SANIJEL (Sanitizer) na siyang makakatulong saatin upang mabawasan ang pagkalat ng Covid-19 sa ating lungsod.

Maraming salamat po mula sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa CLSU Sanisoap and Sanijel Production and Distribution Crusade against Covid-19 at sa lahat ng ating mga kababayan na handa at patuloy na nagbibigay tulong para sa ating minamahal na bayan.