Sari-Saring Pag-Asa ang  handog ni Sen. Peter Allan Cayetano sa mga kababayan natin sa pakikipagtulungan sa Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Layunin ng programa ang mabigyan ng pag-asa at makabangon muli ang pamilyang Pilipino na naapektuhan ng pandemya at lubos na nangangailangan ng dagdag puhunan.

Isinagawa nitong Pebrero 2, 2022 ang pamamahagi ng dagdag puhunan na nagkakahalagang Php 3,500 para sa 60 na benepisyaryo sa pangunguna ni Mr. Earl Esguera mula sa tanggapan ni former speaker Allan Peter Cayetano.