Ang ating kapitbahay na lungsod, San Jose City, tulad ng Cabanatuan City na tuwing Martes po ang ating schedule, ay nagpalabas din ng schedule o araw para sa mga karatig lungsod at bayan upang makapamili sa kanilang lungsod. Ito po ay upang malimitahan ang bugso ng mga mamimili para sa maayos at mas ligtas na transaksyon.

Nag-isyu po ang LGU-San Jose City ng Quarantine Permit/Pass Card (larawan sa baba) na may lagda ni City Administrator. MONDAY, WEDNESDAY at FRIDAY po maaaring makapamili ang mga taga Munoz sa Lungsod ng San Jose tulad ng sa Waltermart, Puregold, Magic Mall at iba pa. Ipapakita po ito sa pagpasok sa mga establisyimento kalakip ang Travel Pass mula naman sa ating City Health Office o City Agriculture/Veterinary Office o Mayor’s Office.

Kaya kung mayroon po kayong kailangang bilhin sa San Jose City ay maaari niyo pong gamitin ang Quarantine Pass/Permit Card na inisyu sa atin at ibabalik din po matapos ang inyong transaksyon upang magamit din po ng iba nating kababayan na may mahalaga din lakarin sa San Jose City. Limitado lang po kasi ang pass na ibinibigay para sa kanilang karatig lungsod at bayan. (15 na quarantine pass cards po)

📍Makakakuha po ng kopya ng pass card sa ating Mayor’s Office.

Dalhin lamang po ang inyong home quarantine pass at travel permit.

Maraming salamat po.