Dahil sa mababang bilang ng mga Senior Citizen na nagpapabakuna, ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Munoz ay nag lunsad ng TUTOK A2 SA BARANGAY, isang kampanya para sa ating mga Senior Citizen na magpabakuna.
Narito po ang mga Barangay na naka schedule para sa ating Bida Bakunation (Munozonian Bida sa Bakuna) mula Hulyo 23, 2021 hangang Hulyo 29, 2021.
Maari lamang po na tayo ay makipag ugnayan sa Kapitan ng ating barangay o sa ating mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa mga detalye.
Para naman po sa ibang kategorya maari po kayong mag parehistro online sa link na ito: http://bit.ly/SCMCovid19_VaccineReg.
❗️❗️Para sa online registration, kayo po ay makakatanggap ng confirmation text kung kayo ay naka-schedule na po na bakunahan sa kadahilanang madami po ang nag-online at limitado pa ang supply ng ating bakuna.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pakikiisa at pagtitiwala. Basta Muñozonian ka, alaga ka!