“Pangarap para sa mga kabataan ng Muñoz!” Ito ang naging pangunahing paksa para sa School Opening ng Barangay Naglabrahan at Matingkis nitong Agosto 26, 2022.

 Makikita ang labis na tuwa sa mata ng kabataan na nakatanggap ng mga school supplies mula sa ating Lokal na Pamahlaan ng Science of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang ating Coun. Vincent DV Alvarez.  Malaki ang epekto ng mga simpleng handog  na ito sa ating mga minamahal na mamamayan para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

 Nagpapasalamat po kami sa mga walang sawang suporta at pagmamahal nina Dr. Dante G. Parungao, CESO VI, sa mga opisyal ng DepEd at iba pang mga opisyal at sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating programa. Nais po namin na patuloy na marinig ang mataimtim na halkhakan ng mga minamahal nating kabatan na tila musika sa ating mga pandinig. Pagkakaisa ng bawat mamamayan at mga opisyal ang susi upang ang ating mga pangarap ay mabigyang katuparan dahil ang kabataan ang pag-asa ng bayan.