Bago pa man magkaroon ng pandemya na Covid19, ang lokal na pamahalaan ng Science City of Munoz sa pamumuno ng ating City Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay may mga aprubadong bagong programa na ang nakalatag para sa ating lungsod. At sa kabila nga ng pandemya, ay hindi tumigil sa pagpaplano upang mailunsad at maisakatuparan ang isa sa matagal ng pangarap ng ating Punong Lungsod na maging Smart City rin ang ating minamahal na Science City of Munoz.

Sa kasalukuyang ay masigasig na tinututukan ng ating City Mayor ang planong pagpapatayo o konstruksyon ng mga sumusunod:

✅Evacuation Center na may Command Center,
✅Relief Goods Stockroom,
✅Multi-Purpose Shed,
✅Parking Area,
✅Close Circuit Television (CCTV) at
✅Emergency 911 LGU Center Facilities sa Brgy. Catalananan.

Sa unang proyekto na ito ay nakapaloob ang paglalatag ng mga 📌fiber optic cable na may habang 22 kilometro na gagamitin sa signal ng mga cctv camera at dadaluyan ng internet upang makapag bigay ng wifi connection sa mga barangay na madaraanan ng proyekto at upang makumpleto na mabigyan ng wifi o internet connection ang buong lungsod at lahat ng paaralan. Kung kaya’t naglaan muli ng pondo ang ating Lungsod para sa 📌32 kilometrong fiber optic cable na kasama na ang mga antena at router ng bawat paaralan na pagmumulan ng wifi connection ng bawat guro at mag aaral.

Napakalaking tulong nito lalo na sa panahon na mayroon ng Blended Learning na isa sa mga isinusulong ay ang paggamit ng online learning method o system para sa lahat ng mga mag-aaral.

Bukod pa sa libreng internet, ang ating lokal na pamahalaan kasama ang DepEd City Schools Division ng Science City of Munoz sa pangunguna ni Dr. Dante G. Parungao, CESO VI ay mamamahagi din ng 📌libreng tig-iisang laptop sa lahat ng public schools sa ating lungsod upang magamit sa online class at paggawa ng mga modules na libre ding ibibigay sa mga mag-aaral.

Personal na pinresinta ni City Engineer Armando E. Miranda, kasabay sa Local School Board Meeting noong nakaraang Hunyo 9, 2020 ang mga plano at detalye ng mga programa at proyektong ito na tiyak na napakalaking tulong sa pagsulong o pag-unlad ng ating minamahal na Lungsod Agham ng Munoz.

Para po sa mga katanungan at mas detalyadong impormasyon, ang tanggapan ng ating City Engineer ay malugod po kayong aasistihan.