Ngayong araw, November 17, 2020 ay idinaos ang dedikasyon at pagpapasinaya ng Science City of Muñoz Mushroom Center na matatagpuan sa Barangay Cabisuculan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at project director Mr. Arturo S. Manipon.

Kasama rin sa programa sina CLSU Vice President for Academic Affairs Renato G. Reyes at CLSU Mushroom Center Director Dr. Sofronio P. Kalaw, at ilang kawani mula sa Department of Agriculture, Local Government Unit at ng pamunuan at mamamayan ng Brgy. Cabisuculan.

Ang proyektong ito ay kasalukuyan din pinapangasiwaan ng Cabisuculan Mushroom Growers and Farmers Association sa pamumuno ni Pastor Zaldie Agustin na naghahangad makatulong at magbigay kabuhayan sa ating mga mamamayan. Ito ay suportado ng Barangay Cabisuculan Council sa pangunguna ni Kapitan Benjamin Cara at ng ating lokal na pamahalaan.