Noong Pebrero 2020 ay inumpisahan ang isang proyekto, ang Science City of Munoz Community Hospital sa Barangay Rizal. Ang nasabing proyekto na kasalukuyang itinatayo ay akda ni Sen. JV Ejercito, Chairman, Committee on Health ng 17th Congress ng Senado ng Pilipinas. Ito ay nagkakahalaga ng 30 milyong piso. Sa pamumuno nang ating butihing punong lungsod, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., at sa pagsulong ng proyektong ito sa kongreso ni Cong. Micaela “Mikki” S. Violago, ang nasabing proyekto ay unti unting naitatayo upang pagsilbihan hindi lamang ang mga mamamayan ng Science City of Muñoz kundi pati na rin ang mamamayan ng mga karatig bayan nito. Isang Dialysis Center din ang itinayo malapit sa Community Hospital.

Sa kabilanng banda ang parke na syang makapagbibigay aliw at saya sa ating mga mamayan ay patuloy ding pinagbubuti at gingagawa. Ito ay para magtaguyod nang local na turismo ng lungsod.