Para sa pagpapatuloy ng isang maganda, maunlad at nagkakaisang lungsod ay dumalo ang ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. kasama ang mga Department Head ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa Executive-Legislative Agenda (ELA) Training-Seminar at Orientation Briefing on the Comprehensive Development Planning (CDP) Process sa Royce Hotel, Clark City, Pampanga nitong Agosto 11, 2022. Ang naturang training-seminar ay nagtapos nitong Agosto 15, 2022.

 Sa nasabing seminar ay pinaghanda ang bawat departamento ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng iba’t ibang sub-sectors ng isang 3-year comprehensive multi-sectoral development plan na siya namang aaprobahan ng ating Sangguniang Panlungsod bago ito ipatupad.