Narito po ang kalagayan ng mga kababayan nating tinamaan ng sakit na Covid-19 sa ating mga isolation facility. Kaagapay ng mga masisipag nating staff, doctors, nurses at mga volunteers dito ay patuloy ang kanilang paglaban para sa kanilang agarang pag galing.

Isang paalala po sa lahat galing sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na mahigpit po nating sundin ang minimum health protocols tulad ng palagiang pagsuot ng facemask, isa (1) hanggang dalawang (2) metrong distansya sa bawat isa at pag hugas ng kamay o pag gamit ng alcohol. Iwasan din ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan upang maiwasan ang napakabilis na pag kalat ng Covid 19.

Tayo po ay mag tulong-tulong sa pag sugpo sa COVID-19. Magpabakuna upang 100% herd immunity ay makamtan!