Green! Purple! Yellow! White! Blue! Red! Maroon! Orange! Mga kulay na siyang nagtunggali sa ating SCM LGU Intercolor Friendship Games – Kickoff Ceremony at Zumba Contest nitong Setyembre 20, 2022 sa PNP Gymnasium, Catalanacan.

 Sinimulan ng isang masayang parada ang nasabing SCM LGU Intercolor Friendship Games na siyang sinundan ng Kickoff Ceremony kung saan nagbigay ng makabuluhang mensahe ang ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, Former Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Vincent Alvarez, Coun. Rommel Abon, Coun. Herminio Salcedo at Coun. Henry Agaloos.

 Naggagalingang mga mananayaw ng Zumba ng bawat TEAM ang natunghayan ng ating mga manunuod sa ating PNP GYM. Binabati po namin ang PURPLE TEAM na siyang nagwagi ng unang parangal na may puntos na 91%, GREEN TEAM na nagwagi bilang pangalawang parangal na may puntos na 90% at WHITE TEAM na nagwagi ng pangatlong parangal na may puntos na 87% sa ating ZUMBA CONTEST. Mabuhay po ang lahat!

 Magtutuloy ang palarong ito hanggang Setyembre 30, 2022 kung saan ang walong grupo ay muling magtutunggali sa mga larong, Basketball, Volleyball at Obstacle Course Race.

 Inaasahan po namin ang patuloy na masaya, nagkakaisa at may disiplinang laro.