Iginawad ng Provincial Director ng Nueva Ecija na si LGOO VIII Renato G. Bernardino ang Seal of Good Local Governance (SGLG) 2019 kay Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. bilang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal ng lungsod. Ang SGLG ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Department of Interior and Local Government (DILG). Isang malaking karangalan na ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz ay sunud-sunod na nagkamit ng gantimpala o parangal para sa taong 2017, 2018, at 2019.