Iba ang kalinga ng ating mga lolo at lola!

 Isang masaya, nakakaindak at nakakabatang Senior Citizen’s Day po ang naganap nitong Oktubre 27, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium kung saan ang programa ay sinimulan ng isang pampasiglang ZUMBA. Sinundan ito ng isang pambungad na talumpati ni Ms. Gabriela Fernandez ng CSWDO na siya ring nagpakilala sa ating mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na nagpaabot ng isang punong puno ng inspirasyon, karunungan at pasasalamat na mensahe.

Dinaluhan din ang pagdiriwang ni Bokal Dindo Dysico. Ang pagpapakilala sa lahat Federation of Senior Citizen’s Association of the Philippines (FSCAP) Barangay Presidents, pagpapakilala sa bagong Chairman ng Office of the the Senior Citizens Affairs (OSCA) at ang pagbibigay pugay sa dating Chairman ng OSCA ay pinangunahan din ni Ms. Fernandez.

Nagpapasalamat po kami sa DRS SAVE EYE CARE CENTER sa kanilang paghahandog ng libreng eye check-up para sa mga minamahal nating Senior Citizen at sa lahat ng dumali at nakiisa sa ating masayang programa. Mabuhay po kayo!

 “Older Persons: Resilience in Nation Building” o “Katatagan ng Matatandang tao sa Pagbuo ng Bansa” ang siyang tema ng nasabing programa kung saan tulad ng ating magiting na TITA MAYORA BABY ARMI na isang babaeng mamatag, mapagmahal, masipag, matalino at maawain ay siya ding itinanatag ng ating mga Senior Citizen. ‘Kasing lakas pa ng kalabaw’ ang kasabihan ng karamihan, ganyan po katatag at katibay ang ating mga Senior Citizen na kahit ano mang problema at sakuna ay kanilang hinaharap at handing harapin para sa kanilang mga mahal sa buhay.