“Sa ilalim nito, ang Retooled Community Support Program ay binigyan ng kapangyarihan ang mga barangay at apektado ng hidwaan at nasa laylayan. Habang ang Capacitating Urban Communities for Peace and Development Program ay binigyan ng kakayahan ng mga unit ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng mga lokal ng punong bayan, lungsod at panlalawigan upang maitaas ang pamamahala sa pagtalakay sa mga mahihinang sektor’’

-DILG Director Rene Valera (February 1, 2022 Philippine News Agency, By Christopher Lloyd Caliwan)

 Isang SERBISYO CARAVAN (RCSP o Retooled Community Support Program) nanaman po mga kababayan ang ginanap muli sa ating Barangay Bantug. Marami po ang nagtatanong kung bakit Bantug ang napili upang magsagawa ng ganitong programa. ITO AY SA KADAHILANAN NA ANG BANTUG AY NAKILALA BILANG ISANG BARANGAY NA NAUURI SA ILALIM NG RETOOLED COMMUNITY SUPPORT PROGRAM. Programang nagpapalakas ng kakayahan na makamit ang KAPAYAPAN at pagunlad.

Nais ng gobyerno na alamin, kamustahin at tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kabarangay. Layunin ng Serbisyo Caravan na ito na mailapit sa ating mga mamamayan ang mga serbisyo mula sa ating Lokal na Pamahalaan at National Government upang mas mapadali na matugunan at magawan nang aksyon ang mga suliranin ng mga mamamayan para sa mas maunlad na Brgy. Bantug.