“Hindi pwede ang mamaya na dahil MAMAMAYAN muna!”
Ginanap ang isang SERBISYO CARAVAN SA BRGY BANTUG (RCSP o Retooled Community Support Program) ngayong araw, Hulyo28, 2022 kung saan ibinaba at inihandog sa mga mamamayan ng Brgy Bantug ang mga serbisyo ng mga opisina mula sa ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ tulad ng City Treasurer’s Office, Public Employment Service Office (PESO), City Social Welfare and Development Office, City Assesor’s Office, Business Permits and Licensing Office (BPLO), City Public Market, City Health Center, City Veterenary Office, City Cooperative Office at iba pang departamento ng Lokal na Pamahalaan. Katuwang din sa programa ang mga ahensya ng National Government tulad ng Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Army, Philippine National Police- Muñoz, Bureau of Fire Protection (BFP), Central Luzon State University (CLSU), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry, DepEd, PhilMech, PhilRice, Philippine Carabao Center (PCC) at iba pa.
Nais ng gobyerno na alamin, kamustahin at tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kabarangay. Layunin ng Serbisyo Caravan na ito na mailapit sa ating mga mamamayan ang mga serbisyo mula sa ating Lokal na Pamahalaan at National Government upang mas mapadali na matugunan at magawan nang aksyon ang mga suliranin ng mga mamamayan para sa mas maunlad na Brgy Bangtug.
Mula po sa Pamahalaan ng Science City of Muñoz ang lubos na pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Caravan. Magpapatuloy ang Serbisyo Caravan, Barangay Talakayan sa Brgy. Bantug sa loob ng isang taon kung saan ito ay gaganapin isang beses sa isang buwan. Mga kabarangay abangan po natin ang susunod na schedule ng Caravan upang matugunan po ang ating mga pangangailangan. Huwag po tayong mahihiyang magtanong sa Brgy Bantug na pinamumunuan ni Kapitan Eric Santiago.
Mga kababayan laging tatandaan na “Mayroon tayong gobyerno na handang tumulong sa lahat ng ating MAMAMAYAN!”