Lubos ang ating pasasalamat na ang ating lungsod ay mapalad at hindi tayo naapektuhan ng katatapos lang na Bagyong Rolly. Ganunpaman ay gustong matiyak ng ating punong lungsod na ligtas at maayos ang ating mga kababayan. At parte ng serbisyo publiko ng ating lokal na pamahalaan ay ang serbisyong medikal ng ating City Health Office na umikot sa ilang barangay upang magcheck-up at mamigay ng mga gamot.

Bagamat tayo ay ligtas ay patuloy po nating ipanalangin ang ating mga kababayan sa ibang panig ng ating bansa na lubos na napinsala ng nagdaang bagyo.