Ginawaran ng Philippine Health Corporation ng Certificate of Accreditation ang ating Rural Health Unit I ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. bilang isang Primary Health Clinic. Ibig sabihin nito ay tiyak na ang mga serbisyong pangkalusugan na ibinigay ng nasa nais at inaasahang kalidad.

Lubos po ang aming pasasalamat sa Philippine Health Corporation para sa Sertipikong ito at higit po ang aming pasasalamat sa mga tauhan ng Rural Health Unit I ng ating lungsod sa walang sawang pagsisilbi sa ating mga kababayan! Mabuhay po ang lahat!