“Sining ay Buhay, Buhay ang Sining, Sining Para sa Lahat, May Ningning ang Buhay Kung May Sining!”

 Mabuhay mga dakilang magsasaka! Bilang isang pagpupugay at pagpapakita ng paghanga para sa ating mga minamahal na magsasaka ay nagsagawa ng isang “SINING ALAY SA MANGGAGAWA 2022” ngayong Biyernes, Mayo 27, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium sa pangunguna ng CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES (CCP).

 Sinimulan ang masaya, makulay at masiglang programa ng pagdating ng mga magsasaka at mga panauhin, kasunod nito ang Pambansang Awit na tinugtog ng NUEVA ECIJA RONDALLA ENSEMBLE. Inalayan ng nakakaindak na mga sayaw ng BUNGKOS PALAY DANCE TROUPE ang ating mga minamahal na panauhin. Samantala, ang ating MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. ay nagbahagi ng isang napakagandang mensahe para sa lahat. Si Mr. Chris B. Millado, CCP Vice President and Artistic Director at mga opisyal ng KAISA SA SINING (KSS) naman ay nagbahagi ng kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng video. Nag alay ng isang tula na pinamagatang “BAYANI” na akda naman ni Amado V. Hernandez si Mr. NONIE BUENCAMINO. Musical Performance naman ang inalay ng Duo na NIGHTINGALES at ang panghuling pagtatangahal ay ginanap ng PHILIPPINE PHILHARMONIC ORCHESTRA at CORONADAL HINUGYAN CULTURAL DANCE TROUPE.

 Lubos po ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ni MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. at ng ating MAYOR-ELECT ARMI L. ALVAREZ sa lahat ng dumalo at nagtanghal sa programang ito at sa PhilRice at iba pa na nag alay ng Kits and Tokens sa ating mga magsasaka mula sa Nueva Viscaya, Guiguinto Bulacan, Pangasinan at Science City of Muñoz ( Brgy. Maligaya, Brgy. Villa Isla, Brgy. Pob. West, Brgy. Mapangpang, Brgy. Magtanggol, Brgy. Palusapis, Brgy. Sapang Cauayan, Brgy. Maragol, Brgy. Bantug, Brgy. Licaong, Brgy. Catalanacan, Brgy. Franza, Brgy. Linglingay, Brgy. Matingkis, Brgy. Pandalla, Brgy. Cabisuculan, Brgy. San Andres, Brgy. Villa Cuizon, Brgy. Gabaldon, Brgy. San Felipe, Brgy. Calabalabaan, Brgy. Villa Santos, Brgy. Bagong Sikat, Brgy. Naglabrahan, Brgy. Rizal, Brgy. Calisitan, Brgy. Bical, Brgy. Balante, Brgy. Mangandingay, Brgy. Rang-Ayan, Brgy. Labney, Brgy. Villa Nati, Brgy. San Antonio at Brgy. Curva).

Mabuhay po ang mga manggagawa, mabuhay ang mga bayani ng bayan!