Ang  Department of Social Welfare and Development, Region III katuwang ang ating City Social Welfare Development Office ay  nagpamahagi ng tatlong libong piso (3,000) sa bawat isang Senior Citizen ng ating lungsod. Ito ay may bilang na 1146 sa 37 na barangay ng ating minamahal na Lungsod Agham ng Muñoz.

Nais ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na magpasalamat sa DSWD-Region III sa pakikiisa at pamamahagi ng social pension, higit sa lahat ay lubos po ang aming pasasalamat sa ating mga butihing lolo at lola na siyang unang nagtaguyod sa pagbuo ng ating masayang pamilya. Mabuhay po kayong lahat!