Tuloy-tuloy pa din ang serbisyo ng pamahalaan para sa ating mga mamamayan. Noong May 15, 2021 ay nagpamahagi ng Social Pension para sa ating mga minamahal na Senior Citizen nang lungsod. Ang pamamahagi ay pinangunahan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) sa pakikipagtulungan sa Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Sa gitna ng pandemya, patuloy po ang aming pagsisikap na kayo ay mapaglingkuran nang taos puso. Hiling po namin palagi ang kaligtasan ng lahat. Kaya tayo po ay palaging sumunod sa ating mga health protocols upang manatili tayo at ang ating kapwa na ligtas sa Covid-19.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan