Ipinamahagi ang Social Pension sa may kabuuang 1,000 kwalipikadong Senior Citizens mula sa 37 barangay ng ating lungsod. Ito ay nagkakahalaga ng Php 3,000.00 para sa 6 na buwan. Ang Social Pension ay buwanang pensiyon mula sa ating na malaking tulong para sa pang arawaraw na pamumuhay at mga pangangailangan sa medisina ng ating mga senior citizen. Ito ay isang probisyon na nakasaad sa ilalim ng Seksyon 5 ng Republic Act 9994 o tinawag na Expanded Senior Citizen’s Act of 2010.

Pinangunahan nila Kgg. Rodney S. Cabrera, Kgg. Jerry S. Fulgencio, Kgg. Alexander L. Natividad, mga kawani ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) at City Treasurer’s Office ang pagpapamahagi.