Mga kababayan gusto nyo po ba masecure ang inyong kinabukasan? Kung oo, ano pa ang hinihintay nyo mag-enroll na po tayo sa Social Security System. Madaming benepisyo po ang naghihintay sa inyo.

 Isang masayang araw po para sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang pagbisita ng SSS Luzon Central I Division sa pangunguna nina Ms. Vilma P. Agapito, Vice President at Atty. Vic Byron Fernandez, Head ng Legal Department at SSS San Jose sa pangunguna ni Ms. Haidee G. Binag, Branch Manager nitong Nobyembre 10, 2022.

 Ibinahagi sa nasabing courtesy call ang iba’t ibang programa ng SSS tulad ng SICKNESS BENEFIT, MATERNITY BENEFIT, RETIREMENT BENEFIT, DISABILITY BENEFIT, DEATH BENEFIT, FUNERAL BENEFIT at UNEMPLOYMENT BENEFIT. Tulad ng pagmamalasakit ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI sa kaniyang mga nasasakupan ay ganoon din ang pagnanais ng SSS na tumulong sa ating mga kababayan.

 Kasama sa naganap na courtesy call ang pagbabahagi ng SSS ng Certificate of Appreciation sa ating supportive na TITIA MAYORA BABY ARMI, bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanyang hindi matatawarang suporta sa isinagawang SSS Run After Contribution Evaders (R.A.C.E) campaign na ginananap nitong Nobyembre 10, 2022 sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.