Isang napagandang balita mga ka Muñozonians!! Ang Dialysis Center ng Lungsod Agham ng Muñoz na matatagpuan sa Barangay Rizal, Science City of Muñoz sa likod ng ating kaunaunahang Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz ay binasbasan at binuksan na ngayong araw, Hulyo 28, 2021.

 Hindi na mahihirapan ang ating mga minamahal na kababayan na mag biyahe ng malayo para sa kanilang dialysis session sapagkat naghandog na ng Dialysis Center ang ating Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph. D. katuwang ang Nueva Ecija Renal Center.

 Dinaluhan ang simpleng programa nina Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D., Hon. Micaela “Mikki” S. Violago, Representative ng 2nd District of Nueva Ecija, Dr. Edwin Santiago, Development Officer V ng PDO Nueva Ecija, Dr. Mikko Wong, Mr. Jomar Sayco-representative ng Nueva Ecija Renal Center,  Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Rodney S. Cabrera, ABC President Alexander Natividad, Ms. Armi L. Alvarez, Former Coun. Edmond Balmeo, Engr. Armando Miranda, at iba pang mga Department Head ng LGU Muñoz.

 Ang aming mga puso ay puno ng galak sa pagbubukas ng Dialysis Center ng Muñoz sapagkat alam naming madami ang mga mamamayan natin ang matutulungan nito. Lubos din po ang pasasalamat naming lahat sa mga tumulong upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng ganitong proyekto dito sa Muñoz.

Bawat pag usad, maliit man o malaki ay malahaga! Laban para sa bayan! Sulong Science City of Muñoz!

Narito po ang list of requirements:

Dialysis Center

1. Hemodialysis prescription from attending Nephrologist
2. Medical Abstract
3. Hepatitis Profile (HBsAg, Anti-HBs, Anti-HCV)
4. Laboratory Results (Crea, CBC-APC, Na, K, Phosphorus, Ca)
5. List of Medications and Hepa Vaccine if Available
6. Latest Hemodialysis Treatment record (Last 3)
7. CSF (Claim Signature Form)
8. Certification of Previous Hemodialysis Treatment Sessions

PhilHealth

9. Confinement Journal
10. MDR (Updated/Current)
11. PDD/PhilHealth Dialysis Database
12. Certificate of Contributions for the last quarter
13. PhilHealth ID
14. National ID/ Brgy. Clearance
15. Antigen Test

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan