Bukod sa liwanag ng labinlimang (15) SOLAR STREET LIGHTS ng Barangay Gabaldon ay madami pang mga barangay ang nahandugan ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ng ating Super MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. ng mga SOLAR STREET LIGHTS upang mas magliwanag ang kanilang mga gabi.

Narito po ang mga lugar sa ating lungsod na natayuan na ng mga SOLAR STREET LIGHTS mula sa ating pamahalaan.

•Siyam napu’t apat (94) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang Maharlika Highway mula Barangay Pob. East hanggang Barangay Bantug

•Labing pitong (17) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang Muñoz-Lupao Road mula Barangay Pob. North hanggang Barangay Balante.

•Labing anim (16) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang Matingkis Eco Park o Matingkis Pavilion.

•Anim (6) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang tulay ng Gabaldon.

•Anim (6) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang tulay ng Linglingay.

•Anim (6) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang tulay ng Palusapis.

•Dalampu (20) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang kalsada malapit sa ating Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz at Dialysis Center sa Barangay Rizal.

•Isang daan tatlumpu’t walo (138) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang Muñoz- Lupao Road mula Barangay Bical hanngang Mapangpang.

•Sampu (10) na SOLAR STREET LIGHTS upang pagliwanagin ang kalsada sa Barangay Villa Quizon.

Mga kababayan, sa mga nabangit ay madami pa po  ang inilalagay na mga SOLAR STREET LIGHTS sa iba’t ibang barangay ng ating lungsod. Sa pakikipagtulungan po ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ng ating Super MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D.,  ng City Engineering’s Office sa pangunguna ni Engr. Armando Miranda, ng mga Punong Barangay at ninyong aming mga kababayan ay matutupad po ang ating nais na magliwanag ang ating buong lungsod.

Sama- Sama, tulong tulong para sa liwanag na walang kapantay para sa ating lungsod!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan