Sa ginanap na pagpupulong ng City Solid Waste Management Board, napag-alamang nakapag-ayos po tayo ng mga septic vault para sa mga mapanganib na basura o hazardous waste at nagpamigay din ng mga makinarya para makatulong sa mas mabilis na paghahakot ng mga basura.

Nahahati po sa tatlong klase ang ating mga basura, ito ay ang nabubulok, hindi nabubulok, at recyclable o mga basura na maaari pang pakinabangan. Tandaan, kung ayaw mo na ang isang bagay, huwag mo naman basta iwanan na lang… sa tabi o kung saanman! Ang basura sa’yo, maaaring biyaya sa iba! 

Ipinapaabot po ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa inyong patuloy na kooperasyon sa pagpapanatili ng isang malinis at maluwalhating Science City of Muñoz! Ingat po lagi!

#SerbisyongHandog
#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ