Hindi ininda ng mga kalahok at manonood ang init na panahon sa ginanap na Street Dancing Competition ngayong ika-20 ng Enero 2020 bilang pagdiriwang ng Uhay Festival.

Inumpisahan ang nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng pagparada.

Nilahukan ito ng anim na paaralan mula sa Sekondarya, ang Gabaldon Integrated School, San Antonio Integrated School, MNHS Main Senior High School, Maragol Integrated School, MNHS Annex at MNHS Main Junior High School,

Sa huli, nakuha ng MNHS Main Junior High School ang 1st place na sinundan ng MNHS Main Senior High School bilang 2nd place at MNHS Annex bilang 3rd place.

Mag-uuwi ng ₱50,000 cash prize ang mga nanalo ng 1st place, ₱30,000 cash prize ang iuuwi ng 2nd place at ₱20,000 cash prize ang iuuwi ng 3rd place.

May nakalaan namang ₱10,000 consolation prize each para sa mga grupong hindi nanalo sa kompetisyon.

Nagsilbing hurado sina G. Exlan W. Timbol, Ms. Jocelyn Dela Cruz at Ms. Bernadette Bersamin.

Dumalo sa nasabing kompetisyon si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D upang personal na igawad ang sertipiko sa mga grupong nanalo kasama sina Dr. Dante G. Parungao, CESO VI – OIC Schools Division Superintendent, Mr. William Roderick R. Fallorin – Asst. Schools Division Superintendent at Dr. Larry B. Espiritu.

Pagkatapos ng programa, sinundan ito ng Grand Fireworks Display na tumagal ng limang minuto.