Nagpamahagi ng mga sublimation shirt ang Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. sa 12 na bikers club ng Lungsod para sa kanilang pagkakakilanlan.

Sa kabila ng pandemyang Covid -19, pagpadyak ang isa sa mga naging libangan ng ating mga kababayan sapagkat ito’y makakabuti sa atin upang tayo’y manatiling malusog.

Hinihikayat po ng ating pamunuan na sundin natin ang mga health protocols sa ating pagpadyak upang tayo ay manatiling ligtas laban sa sakit na Covid-19.

Prayoridad po ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. ang kaligtasan at kalusugan ng kanyang mga minamahal na mamamayan kaya sana, tayo po’y magkaisa patungo sa ligtas at masaganang lungsod.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan