Araw-araw ay PASKO mga kababayan kaya nitong January 5, 2023 ay naganap ang isang SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM at pamamahagi ng Food Packs sa ating mga Day Care Students at mga kabataang edad 4 at 5 ng lahat ng barangay ng ating lungsod. Tuwang tuwa ang mga kabataan sa kanilang natanggap na FOOD PACK na may lamang mga tinapay, gatas, delata at iba pa na siyang handog ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating magiting, masipag, mapagmahal at mapagbigay na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ sa pamamagitan ng ating City Social Welfare and Development sa pangunguna ni Ms. Gabriela Fernandez.

 Umuulan ng biyaya sa ating lungsod mga kababayan. Ganyan talaga pag may mapagbigay at masipag tayong TITA MAYORA BABY ARMI at VICE MAYOR NESTOR na handang gawin ang lahat para sa ikakabuti ng ating mahal na lungsod at mga mamamayan nito.