“Sama-sama sa Hamon ng Panahon: Buwis Ko, Para sa Pilipino”

Mga kababayan nais naming ipaalam na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagbigay ng isang seminar para sa ating mga Barangay Treasurers. Inaasahan na ang pagpupulong na ito ay magbunga pa nang mas mabilis at epektibong pamamahala at pagkolekta ng buwis. Ito ay ginanap sa Science City of Muñoz sa ika-9 ng Marso 2021.

Nakipag-ugnayan ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., sa BIR upang maisakatuparan ang tax campaign na pinangunahan ni Gng. Vivian V. Tarectecan, Revenue District Officer ng BIR.

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog