Para sa pakikiisa sa laban ng ating mga kababayan sa sakit na Pulmonary Tuberculosis o TB, ang buwan ng Marso ay itinalaga na TB Month upang ipaalala sa lahat ang pag-iingat na dapat nating ibigay sa ating sarili at minamahal sa buhay! Ang inyo pong Lokal na Pamahalaan ay buong puso at walang tigil sa paglilingkod upang masigurong ligtas at matiwasay ang pamumuhay ng bawat isa. Para sa nais pong sumangguni sa TB-DOTS Center, sundin ang lahat ng health protocols at dalhin ang mga kailangang dokumento: REFERRAL mula sa isang doktor at X-RAY RESULT. Maraming salamat po!

#SerbisyongHandog
#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ