O kay gandang pagmasdan ng magagandang tanawin ng ating mahal na kalikasan.

Hindi lamang po kalusugan ng pangangatawan ang iniisip at lubos na iniingatan ng ating mahal na NURSE TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kundi pati ang kalusugang pangkaisipan kaya nito lamang Nobyembre 17 hanggang Nobyembre 18 ay ginanap ang Team Building o tinatawag na Rest and Recreation (R&R) ng Office of the Mayor kasama ang City Information Office at City Administration Office sa pangunguna mismo ng ating TITA MAYORA BABY ARMI sa LAKE FARM DE LA MARRE, Pantabangan, Nueva Ecija.

Tunay ngang nakakabighani at nakakarelax sa lugar na ito kung saan maaari kang magday tour, night tour at check-in. Bawat tuluyan sa kanilang tanggapan ay tila ayaw mo ng umuwi sa taglay nitong kagandahan.

Mahal naming mga kababayan, kung kayo po ay stress, pagod at kailangan ng pahinga? Wag magatubiling magbakasyon at magrelax sapagkat ang malusog na kaisipan ay napakahalaga. Kaya tara na sa LAKE FARM DE LA MARRE sapagkat dito ay tiyak hindi ka magsisisi mga mare at pare!

Sa mga boss po diyan nawa ay inyong tularan ang ating TITA MAYORA BABY ARMI na iniisip ang kalusugan ng pangangatawan at kaisipan ng kaniyang mahal na mga empleyado! Kung may pagkakaisa at bonding ang bawat isa,  malaki ang magiging magandang resulta.