Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating mabait at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang mga magagaling nating TESDA GRADUATE ng Hilot Wellness Massage, Cookery at SMAW (Shielded Metal Arc Welding).

 Nito pong Nobyembre 21, 2022 ay kanilang binisita ang ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI upang magbigay galang at pasasalamat kasama ang kanilang mga magigiting na guro na walang sawang nagturo sa kanila hanggang sa kanilang pagtatapos.

 Hindi lamang po pag-unlad ng ating mahal na lungsod ang nais ng ating TITA MAYORA BABY ARMI kundi ang pag-unald din mismo ng mga mamamayan nito kaya todo suporta po ang ating TITA MAYORA sa mga ganitong programa na siyang napakalaki ng naitutulong sa ating mga mamamayan.

 Mabuhay po ang lahat at ipagpatuloy po natin ang matatag na pagkakaisa para sa maunlad na kinabukasan.