Manghang mangha ang madla na dumalo sa naganap na VIOLIN RECITAL OF THE YEAR sa Plenary Hall PhilRice, Science City of Muñoz nitong Agosto 2, 2022. Isang kagalak galak at kaaliwaliw na pagtatanghal ang inialay nina Ms. Jeanne Marquez: First prize Winner: 2022 New York Laureate International Music; 2022 New York Young Performers Prize Competition; 2019 National Music Competition for Young Artists (NAMCYA), ni Mr. Dingdong Fiel, Pianist at iba pang Local Performers.

 Ang pagganap ay hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Baby Armi L. Alvarez at Vice Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Ito ay sa pamamagitan ng City Tourism and Cultural Office upang itaguyod ang sining sa ating lungsod.